Sa 1,058 flood control projects na ibinuhos sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Marcos administration, pinakamarami rito ang nasa Maynila, na nitong Biyernes ay muling binaha dulot ng pag-ulan kaya sinuspinde ang klase sa mga paaralan pagsapit ng tanghali.

Batay sa sumbongsapangulo.ph website, umaabot sa P52.66 bilyon ang kabuuang pondong inilaan sa 1,058 flood control project sa NCR.

Sa naturang bilang, pinakamarami ang nasa Maynila na umaabot sa 215 proyekto na may kabuuang pondo naman na P14.46 bilyon.

 

 

Nitong Biyernes. nanawagan si Manila Mayor Isko Moreno sa Senado na isama sa kanilang imbestigasyon ng flood control projects ang mga proyekto sa lungsod na hindi umano ipinapaalam sa lokal na pamahalaan at tila hindi pinag-aralan.

Pangalawa naman ang NCR sa mga rehiyon na may pinakamaraming flood control projects at laki ng pondong inilaan, kasunod ng Region 3.

Sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., nitong Hulyo, nagbabala siya laban sa mga opisyal ng gobyerno na nagnanakaw ng pera ng bayan na kaniyang papanagutin, kabilang ang mga sangkot sa flood control projects.

"Kamakailan lang, nag-inspeksyon ako sa naging epekto ng Habagat at bagyong Crising, Dante at Emong. Kitang-kita ko, maraming proyekto sa flood control mga palpak at 'yung iba, guni-guni lang," ayon sa pangulo.

Kasunod nito, inatasan niya ang Department of Public Works and Highways na isumite ang listahan ng mga flood control projects sa bansa sa nakalipas na tatlong taon ng kaniyang administrasyon.

"We will publish this list so that the public can see it," anang pangulo. "At the same time, there will be an audit and performance review of these projects to check and make sure, and to know how your money was spent."

Sa labas ng Metro Manila, ang top 20 provinces na may pinakamarami at pinakamalaking pondong pinaglaanan ng flood control projects ay ang:

 

 

 

 

 

–FRJ GMA Integrated News