Kinaaliwan ng netizens ang Christmas caroling ng “Bubble Gang” na “12 Days of Kurakot,” na katunog ng awiting "12 Days of Christmas."
Dahil mainit pa rin ang usapin tungkol sa katiwalian sa gobyerno, gumawa ng pamaskong awitin ang longest-running gag show kaugnay sa naturang isyu ng pangungurakot.
Sa ngayon, umabot na sa 13 milyon ang views ng video sa Facebook page ng Bubble Gang.
“Feeling ko this is the Christmas theme song this year,” ayon sa isang netizen.
“Hahahahahahaha pak na pak,” sabi naman ng isang nagkomento.
“Funny but true,” saad ng isa pa.
Bukod sa lyrics ng awitin, kinaaliwan din ng netizens ang pagkakaawit at facial expression ng mga kumanta. Panoorin ang video.
-- FRJ GMA Integrated News

