Pinuntahan ng award-winning Kapuso journalist na si Atom Araullo ang tinaguriang “magic island” na Siquijor. At dahil doon din matatagpuan ang magandang Cambugahay Falls, sinubukan na rin niya ang viral “fairy walk” challenge na ginawa noon ng aktres na Anne Curtis.
Sa “Magic Island” episode ng “The Atom Araullo Specials,” ikinuwento ni Atom na wala talagang pangalan o tawag dati sa naturang paglalakad sa tubig habang nakahawak sa lubid.
Ngunit dahil kay Anne na nag-viral ang "paglakad" sa tubig, binansagan na itong “fairy walk.”
Bukod sa fairy walk, sinubukan din ni Atom ang Tarzan swing.
Maging swabe kaya ang “fairy walk” ni Atom? Tunghayan ang kaniyang adventure sa “Magic Island,” na ipinagmamalaki ng mga taga-Siquijor ang tunay na ganda ng kanilang isla. Mula sa malilinis na karagatan, hanggang sa pagdami ng green sea turtles na dati nang naging "endangered" o nanganib maubos. Panoorin ang kaniyang dokumentaryo.
– FRJ GMA Integrated News
