May kakaibang pakulo ang isang lalaki para sa kaniyang kapatid na nagtapos ng Grade 10, nang regaluhan niya ito ng money bouquet pero puro barya sa Iloilo City. Alamin kung magkano ang buong halaga.

Sa video ni YouScooper Jan Mar Basco Panizales, na iniulat sa GTV News Balitanghali nitong Miyerkoles, mapanonood na literal na, “It's the coins that count” para sa magkapatid.

Pero kahit barya ang nakalagay, na-appreciate naman ng nagtapos na si Jea ang regalong money bouquet ng kaniyang kapatid.

Ang kabuuang halaga ng money bouquet-- P50, na natanggap niya matapos na ang graduation at hindi sa mismong paaralan.

Ayon kay Jan Mar, hindi tinanggap ni Jea ang cash na ibibigay sana niya rito dahil sapat na raw ang dinner celebration.

Biro naman ng ilang netizens, i-delete ang video dahil baka gawin din sa kanila ng kanilang mga magulang ang barya bouquet. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News