Kasabay ng selebrasyon kamakailan ng Silag Festival sa Baywalk Poro, San Fernando City, La Union, idinaos din ang Bonsai and Suiseki exhibit na may kasamang paligsahan sa paliitan ng halamang bonsai.

 


Ang nanalo sa naturang paligsahan, ang cute na bonsai na inilaban ni Sky Estocapio ng San Fernando City, na ang sukat ay maliit pa sa limang pisong barya.

Natutuwa si Estocapio sa malaking karangalan na kaniyang tinanggap mula sa napakaliit niyang halaman na wala pang tatlong pulgada ang taas.

 


Payo niya sa mga nais mag-bonsai, dapat na i-enjoy ang ginagawa para maging maganda rin ang produktong malilikha.

Pinakatampok naman sa selebrasyon ng Sinag Festival ang makukulay na ilaw at costume ng mga kalahok sa street dancing contest na nilahukan ng mga mag-aaral mula pa sa iba't ibang paaralan.

 


Nagmistulang mga lumilipad na alitaptap ang mga ilaw dahil sa galaw ng mga mananayaw.-- FRJ, GMA News