Natagpuan na ang isang asong nawawala matapos umano itong tangayin ng grupo ng mga lalaki sa San Isidro, Abra.

Sa ulat sa "Unang Balita" ng GMA News nitong Huwebes, sinabing namataan ang asong si Tasha sa isang bahay sa Bengued, Abra matapos i-post sa Facebook ang kaniyang mga larawan.

Nang matanggap ng may-ari ang impormasyon, agad siyang nagpatulong sa pulisya para mabawi ang aso.

Bago nito, sinabi ng ilang saksi na tinangay ng isang grupo ng mga lalaki si Tasha, sinakay sa tricycle, at humarurot paalis.

Ngunit depensa ng grupo, hindi nila tinangay ang aso, kundi kusa itong sumama sa kanila.

Hindi magsasampa ng reklamo ang may-ari ng aso. — Jamil Santos/RSJ, GMA News