Kahit walang mga kamay nang isilang, hindi ito naging balakid para hindi niya sundan ang yapak ng kaniyang kapatid sa pagiging barbero sa Buenos Aires sa Argentina.

Sa ulat ng Reuters, sinabi ni Gabriel Heredia na noon ay hindi excited ang mga kostumer na natotoka sa kaniyang dahil sa wala siyang mga kamay.

Pero matapos daw niyang magupitan ang mga ito, nasisiyahan sila sa resulta ng kaniyang trabaho.

Ngayon, hindi lang sa dumami ang mga nagpapagupit sa kaniya, sumasali na rin siya sa mga kompetisyon sa paggugupit. --FRJ, GMA News