Bago pa ang pagsisimula ng Ber months na simula ng mahabang pagdiriwang ng mga Pilipino ng Pasko, nagsilabasan na ang mga makukulay at nagniningning na parol na ibinebenta sa Malolos, Bulacan.
Ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes, agaw pansin sa kahabaan ng McArthur Highway ang mga parol na gawa sa tapis, na nasa halagang P1,000 hanggang P3,500.
Ang mga presyo ay depende pa rin sa laki at disenyo ng mga parol.
Nagpayo naman ang mga nagbebenta ng parol na bumili na hangga't maaga at mura ang mga parol. —Jamil Santos/JST, GMA News
