Larawan ng masayang pagsasama sina Riza at Vincent.

Pero ang kanilang kasiyahan at pananabik, napalitan ng takot at pangamba nang isilang ang kanilang panganay na si Baby Ned nitong May 2.

Meron kasi itong kakambal, may paa pero walang katawan at nakadikit ang puwet nito sa mukha ng sanggol.

Tinatawag na parasitic twin ang kakambal ni Baby Ned na hindi na nabuo habang ipinagbubuntis ng kaniyang ina.

Halos gumuho ang mundo nila Riza ng makita sa unang pagkakataon ang anak.

Para maisalba ang buhay ni Baby Ned, kailangan alisin ang kanyang kakambal sa lalong madaling panahon.

Pangarap nina Riza at Vincent na makasama ang anak at mabuhay nang normal gaya ng ibang bata,

Pero sa tulong nyo maaari po itong matupad. —JST, GMA News