Agaw-pansin sa kalsada ang isang angkas ng motorsiklo na kaldero ang ginamit na helmet habang bumabiyahe sa Tuguegarao, Cagayan.

Sinita sila ng mga nagbabantay na pulis at pinagmulta ng P200 dahil sa paglabag sa "No Helmet, No Travel" policy ng lungsod.

Ayon sa lalaki, wala siyang pambili ng helmet kaya kaldero na lang ang isinuot niya sa kaniyang ulo.

Napag-alaman din ng mga awtoridad na parehong lasing ang rider at angkas ng motorsiklo.--Dona Magsino/FRJ, GMA News