Taong 2016 nang unang itampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kuwento ni Johncris dahil sa labis na dami ng kaniyang ngipin noon na umabot sa 180 bunga ng kondisyong "hyperdontia." Matapos siyang operahan at tanggalin ang 49 sa kaniyang mga ngipin, ngayon, muli siya nahaharap sa bagong pagsubok.

Trese-anyos na ngayon si Johncris, pero bukod sa muli siyang tinubuan ng mga ngipin na kailangan muling tanggalin, nagkaroon din siya ng problema sa puso kaya sumailalim siya sa operasyon.

Sa harap ng malaking halaga na kailangang gugulin sa bawat operasyon na kaniyang pagdadaanan, ramdam ni Johncris ang hirap na pagdadaanan ng kaniyang ina, kaya minsan ay hindi niya maiwasan na mag-isip na nagiging pasanin siya sa kaniyang mahal na ina.

Tunghayan ang sa video na ito ang mga pagsubok na muling kinakaharap ni Johncris at kaniyang ina, at alamin kung papaano nila hinaharap ang lahat, sa tulong ng mga taong may magandang kalooban, Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News