Gaano nga kaya katotoo ang paniniwala ng ilang residente na may sirena umanong naninirahan sa Tarlac River sa Paniqui, Tarlac at nangunguha pa raw ng mga bata? At ang huli umano nitong biktima, isang batang lalaki na siyam na taong gulang na dalawang linggong hinanap ng kaniyang mga magulang.

Mahanap pa kaya ang bata na  naglalaro lang umano sa ilog habang namimingwit ang kaniyang ama nang bigla siyang nawala. Tunghayan ang ginawang pagtutok ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" sa paghanap sa bata. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News