Isang babaeng Taiwanese sa Boracay ang pinagmulta dahil mistula na siyang hubo't hubad sa suot niyang bikini na literal na "string" lang.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes,  P2,500 ang multang ipinataw sa turista.

Ayon kay acting Malay Mayor Floribar Bautista, nilabag ng turista ang Malay Ordinance No. 203, na nagbabawal sa masyadong malaswang kasuotan habang nasa isla.

Wala pa umanong pahayag ang turista kaugnay ng insidenteng kinasangkutan niya.

Umani naman ng magkakaibang reaksyon sa netizen ang ginawang pagsusuot ng string bikini ng turista.

May mga nalaswaan sa kaniya at may nagsabi naman na dapat tigilan na ang pag-"objectify" sa mga kaibabaihan.-- FRJ, GMA News