Nakatanggap ng mala-VIP treatment ang isang pamilya ng mga bibe sa Moscow dahil inalalayan sila ng Russian National Guard para ligtas na makatawid sa isang malapad na kalsada.

Sa video na naka-upload sa Twitter ng Reuters, makikita na ilang residente rin ang umalalay sa mag-asawang bibe kasama ang kanilang mga sisiw.

 

 

Iniharang ng mga pulis ang kanilang mobile car para tumigil ang mga sasakyan hanggang sa tuluyang makatawid ang pamilya ng bibe patungo sa isang tubigan sa parke.

Nitong nakaraang Abril, may nakita ring pulis na nagpatrolya sa kalsada para patigilin ang mga sasakyan upang makatawid ang ilang bibe. --FRJ, GMA News