Isang mambabatas ng European Union ang nagbigay ng aliw sa deliberasyon ng isang komite nang makita siyang walang suot na pantalon habang dumadalo sa video conference.

Sa ulat ng Reuters, sinabing nagbigay ng kaniyang pananaw si Luke Ming Flanagan ng Ireland tungkol sa pagdinig ng agriculture committee.

Sa may dalawang minutong pagsasalita nito, makikita si Flanagan na nakaupo sa gilid ng kama, naka-long sleeve pero walang pantalon.

Makikita rin sa video na hinahawak-hawakan pa niya ang kaniyang hita.

 

 

Paliwanag sa Reuters ni Flanagan sa nangyaring insidente, "I was just back from a run so was in my shorts. Decided to put on a shirt to look kinda respectable! That work out very well!.” 

Naaliw at naunawaan naman ng netizen ang nangyari kay Flanagan dahil marami ang patuloy na nagtatrabaho sa kanilang mga bahay bunga ng pandemic.--Reuters/FRJ, GMA News