Dahil inabot ng gutom matapos sumali sa Panagbenga festival, nag-drive thru sakay ng mga kabayo at naka-costume ang ilang customer ng isang fastfood restaurant sa Baguio City.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, makikita na nakahilera ang mga customer  na nakasakay sa kaniya-kaniyang kabayo nang umorder ng mga pagkain sa drive thru ng fastfood resto.

Nakadagdag kasiyahan din sa mga nakakita ang suot nilang mga costume tulad nina Elsa at Snow White.

Ayon sa Jackson So, ng Baguio Horse Club, at isa sa mga nag-drive thru, sumali sila sa isang kompetisyon sa Panagbenga festival kaya sila nakasakay sa kabayo at naka-costume.

Nang magutom daw sila, wala silang mapag-iwanan ng mga kabayo kaya naisipan na lang nilang mag-drive thru.--FRJ, GMA Integrated News