Makalipas ang mahigit 1,000 taon, lumahok sa unang pagkakataon ang mga babae sa “naked festival” sa Japan. Gayunman, may suot pa rin silang mga damit.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nakasuot ang mga babaeng sumali ng tradisyunal na damit na “Happi Coats” habang naglalakad sa kalye.

Dala-dala rin nila ang mahabang kawayan na inalay sa Konomiya Shrine.

Sinabuyan ang mga kababaihan ng tubig bilang bahagi ng tradisyon.

Nakabahag naman ang mga lalaki na katulad ng suot ng mga sumo wrestler.

Tila nagbubunuan ang mga lalaki bilang simbolo ng pagtataboy sa masasamang espiritu.

Ang pagsali sa kasiyahan ng mga babae sa pagdiriwang ay nagpapakita ng pagbabago ng pananaw sa gender equality. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News