Isang putol na braso ng tao ang nakita sa tiyan ng isang nahuling pating sa Araceli, Palawan.
Sa ulat ng 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing natuklasan ang braso ng tao matapos katayin ang pating na nakatakdang ibenta noon.
Nalaglag pa ang braso mula sa tiyan ng pating noong Pebrero 15.
Wala pang linaw kung sino ang nagmamay-ari ng braso, na ibinaon na sa lupa.
Pagkaraan ng dalawang araw, binalikan sa sementeryo ang braso at sinubukan itong kunan ng fingerprints ngunit nasa decomposition state na ito. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
