Isang lalaki ang namilipit sa sakit nang mamaga at lumobo ang kaniyang ari matapos niya itong suotan ng singsing. Dahil sa nararanasang sakit, naisipan niyang lagariin na ang singsing. Magtagumpay kaya siya? Alamin.Sa nakaraang episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho,” napag-alaman na maliligo noong Mayo 9 si "June," hindi niya tunay na pangalan, habang suot ang singsing na may pangalang “Rowelyn” sa nkalagay sa kaniyang hintuturo.Pero dahil maluwag ang singsing, naisipan niya itong alisin sa daliri. Ngunit sa halip na ipatong sa kung saang lugar, naisipan ni June na ipinasok ang singsing sa kaniyang ari.Sa kasamaang palad, dumulas ang singsing papasok sa kaniyang “pagkalalaki” at dumiretso hanggang sa dulo."Hindi naman po masikip, parang sumakto lang siya sa may buto. Hindi ko na po matanggal, hanggang nagbihis na po at nagpalit na ako ng damit. Pinabayaan ko na lang po. Isip ko baka matanggal lang din,” sabi ni June.Ngunit pagkaraan ng ilang oras, lumolobo na ang kaniyang ari, at tuluyang namaga pa kinabukasan,Hanggang sa nahirapan nang maglakad si June at hindi na rin makaihi. Sinubukan niya itong muling gamitan ng sabon, ngunit hindi tumalab, at mas humapdi pa nang pahiran niya ito ng langis.Sa sobrang sakit, napasigaw na si June at nalaman na ng kaniyang pamilya ang kaniyang ginawa.“Kasinglaki po siya ng lata ng sardinas. Lumolobo po siya. Mukha po siyang puputok po noon,” sabi ni “Jerry,” hindi rin tunay na pangalan, kapatid ni June.Dahil nahirapan na silang alisin ito, naisip ni Jerry na lagariin na ang singsing mula sa ari ng kaniyang kapatid.Uminom na ng alak na pampatanggal ng kaba si June, bago tangkain na lagariin ang singsing. Ngunit kalaunan, nag-alangan din siya dahil napahiran na ito ng langis at baka dumulas sa kaniyang balat ang lagari.Kaya naman nagpa-doktor na si June at dinala sa Philippine General Hospital sa Maynila.“Nagulat ako kasi talagang severe na ‘yung case ng patient. It's a case of penile strangulation na more than 48 hours na. Sobrang inflamed o magang-maga na ‘yung kaniyang ari,” sabi ng tuminging doktor na si Frederick Mendiola MD, isang urologist.“Pinaka-worst na effect nito is magkaroon ng problema du’n sa normal na blood circulation sa penis. ‘Yung blood flow sa dulo ng ari ay napipigilan. Nakakaroon ng problem du’n sa flow. Kadalasan, nabubulok ‘yung ari,” paliwanag pa ng duktor."Doonn sa skin, nakakaroon ng ulceration, pati ‘yung urethra o ‘yung daanan ng ihi ay naapektuhan na rin. So, nagkakaproblema na rin siya sa pag-ihi. It can lead to amputation o sarili na mismo na puputol ‘yung ari. Pagka talaga nagkaroon ng sepsis, septic shock, hanggang sa puwede siyang mamatay,” dagdag ng urologist.Maisalba pa kaya ni June ang kaniyang “pagkalalaki” at maalis ang singsing na isinuot niya sa kaniyang maselang bahagi ng katawan? Saan nga ba galing ang singsing at sino si “Rowelyn” na nakaukit ang pangalan dito? Panoorin buong kuwento sa video. -- FRJ, GMA Integrated News