Isang naagnas na bangkay ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa Bacolod City.

Sa ulat ng GMA Regional TV nitong Martes, sinabing isang magtutubo ang nakatuklas sa bangkay sa Barangay Mansilingan.

Naka-itim na t-shirt at shorts at punong-puno umano ng putik sa katawan ang bangkay nang makita.

Sinabi ng pulisya na posibleng tatlo hanggang apat na linggo na itong patay bago natagpuan.

Kasalukuyang nakalagak ang bangkay sa isang punerarya sa bayan ng E.B. Magalona. – Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News