Naghahanda umano si Rhian Ramos na sampahan ng mga kasong sibil at kriminal ang mga tao na nagpapakalat ng mapanirang pahayag tungkol sa kaniya, ayon sa kaniyang abogado.
Sa ulat ni Vicky Morales sa GMA News “24 Oras” nitong Lunes, sinabi ng abogado ni Rhian na si Atty. Lorna Kapunan na natukoy na nila ang mga tao na unang naglabas ng mapanirang pahayag laban sa aktres.
Idinagdag niya na sinusubaybayan ng kanilang kampo ang iba pang nagpapakalat ng mapanirang pahayag tungkol kay Rhian.
Hinikayat nila ang publiko na igalang at pangalagaan ang mga karapatan at dignidad ng kababaihan, lalo na’t papalapit ang Buwan ng Kababaihan.
"Even if she's a celebrity, she's a public figure, she has her own private life outside her show," Kapunan tungkol kay Rhian. — FRJ GMA Integrated News
