Nagdulot ng espekulasyon sa netizens kung may namamagitan ba kina Barbie Forteza at Jameson Blake na kapuwa sumali sa isang 10K run.
Sa Instagram, ipinost ng aktor ang ilang larawan sa naturang event, kasama ang selfie nila ni Barbie.
Makikita na masayang hawak ng dalawa ang kani-kanilang medalya.
"Good run and pure fun," saad ni Jameson sa post.
Ilang netizens ang kinilig sa post ni Jameson na napansin na bagay silang dalawa.
"Hoy bat bagay! Nakakakilig," saad sa komento ng isang netizen.
"Soft launch ba 'to?" tanong ng isa pa.
Nitong nakaraang Enero nang ihayag nina Barbie at Jak Roberto ang pagtatapos ng piton taon nilang relasyon.
Nakatakdang bumida si Barbie sa teleseries na "Beauty Empire" na mapapanood sa GMA Prime, at streaming platform na Viu. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ, GMA Integrated News

