Ikinasal na si Miss Eco International 2018 Thia Thomalla sa kaniyang non-showbiz boyfriend.
Sa Instagram post, ibinahagi ng Filipino wedding photographer na si Oly Ruiz ang ilang larawan mula sa beach wedding nina Thia at John Castelar sa Boracay.
Makikita sa post na kabilang sa wedding entourage ang mga Sparkle star na sina Cassy Legaspi at Winwyn Marquez. Dumalo rin sa kasal si Sanya Lopez.
Inihayag nina Thia at John ang kanilang engagement noong 2024.
Bukod sa pagiging isang beauty queen, si Thia ay isa ring aktres at napanood sa ilang Kapuso series.
Kabilang dito ang GMA Prime series na "First Yaya" at "First Lady" na pinagbidahan ni Sanya, at kasalukuyang napapanood sa Netflix. — mula sa ulat ni Jade Veronique Yap/FRJ GMA Integrated News

