Humingi ng paumanhin si Dustin Yu nitong Sabado matapos siyang hindi makarating sa Mindoro para sa isang event.

Sa kaniyang Facebook account, ipinaliwanag ng Sparkle star na nakapunta na siya sa Batangas Port, ngunit nakansela ang biyahe dahil sa masamang lagay ng panahon.

“I sincerely apologize for not being able to make it to Mindoro today. I actually drove all the way to Batangas Port, but all RORO trips were canceled due to the approaching storm that’s about to enter the Philippine Area of Responsibility,” sabi ni Dustin.

Sinabi pa ng dating PBB housemate na tunay na inabangan niya na makasama ang kaniyang fans.

“I hope everyone stays safe while the weather develops,” sabi niya. “Sana makabawi next time when conditions permit.”

Nauna nang inanunsyo si Dustin bilang isa sa mga panauhin para sa “Rakrakan sa Arawan” event sa Mamburao, Occidental Mindoro. —Jamil Santos/VBL GMA Integrated News