Magbabalik sa Manila sa January 2027 ang grupong Westlife para sa kanilang anniversary world tour.

Sa isang pahayag ng Irish boy band, nakasaad na ang “Westlife 25: The Anniversary World Tour,” ay suporta rin sa pinakabago nilang album na “25 - The Ultimate Collection,” na inilabas noong Biyernes.

Magsisimula ang tour sa Dublin, Ireland at iikot sa iba’t ibang lungsod sa Asya, Mexico, Scandinavia, Australia, at New Zealand.

Nakatakdang gawin ang concert sa Manila sa Enero 20, 2027, sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hindi pa inaanunsyo ang detalye tungkol sa bentahan ng tiket.

Huling nagtanghal ang Westlife sa Maynila noong Pebrero 2023 para sa dalawang araw na concert sa Araneta Coliseum.

Kilala ang grupo sa kanilang mga hit na kanta tulad ng My Love, If I Let You Go, Swear It Again, at kanilang cover ng Uptown Girl, bukod sa marami pang iba. —Jade Veronique Yap/FRJ GMA News