Para lalong buhayin ang pagiging makabayan ng mga mag-aaral sa isang paaralan sa Baao, Camarines Sur, bumuo sila ng human flag sa selebrasyon ng Araw ng Kalayaan nitong Lunes.

Sa ulat ng GMA "News To Go," sinabing nagsuot ng mga damit na may kulay ng watawat ng bansa ang mga estudyante ng Rosary School Incorporated.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, isinagawa ang aktibidad para lalong buhayin ang pagiging makabayan ng mga kabataan.

-- FRJ, GMA News