Sa online show niyang "Taste MNL," inihayag ni Arra San Agustin ang isang Kapuso actor na gusto niyang maging leading man dahil sa dedikasyon nito sa trabaho, bukod pa siyempre sa katambal niyang si Ken Chan sa "My Special Tatay."

Paliwanag ng aktres, minsan na niyang nakatrabaho ang aktor na nais niyang maging leading man at nakita niya kung gaano nito siniseryoso ang kanilang propesyon.

Alamin kung sino ang naturang aktor, at alamin din kung ano ang mga komento ni Arra sa ilang pagkain na na-o-order online na kaniyang tinikman tulad ng mga cake na nasa lata. Panoorin.


--Jamil Santos/FRJ, GMA New