Patay ang dalawang babaeng nag-aalmusal sa isang tindahan sa Talisay City, Cebu matapos silang pagbabarilin ng dalawang salarin nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat ni Chona Carreon sa Balita Pilipinas Ngayon, love triangle at droga ang ilan sa mga tinitingnang motibo sa krimen.

Kinilala ang mga biktima bilang sina Kris Quiñonies at Joy Cansancio.

Nagpapagaling naman sa ospital ang kasama nilang si Jonieme Cortes na tinamaan ng bala sa tiyan.

Nakarinig naman daw ng apat na putok ng baril ang anak ni Quiñones.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulis.

Nasabing nakulong na daw dati ang lola ni Quiñones dahil sa ilegal na droga.

Hinala naman ng ina ni Cansancio, kamag-anak ng biktima ang bumaril ng dito.

Kuwento ni Felipa Cansancio, "Nagsusumbong nga 'yung anak ko, bakit daw siya ginugulpi na wala naman siyang kasalanan."

May person of interest na raw ang mga pulis.

Nakita naman sa crime scene ang dalawang basyo ng bala. —Margaret Claire Layug/LDF, GMA News