Halos isang buwan mula nang una siyang napanood bilang contestant sa "Wowowin," at pagkalipas ng dalawang linggo ay naging co-host na ni Kuya Wil, walang humpay ang pagtangkilik ng netizens sa kaniyang mga video sa Youtube na milyon-milyon na ang views.

Ngayon, patuloy na nagte-trending sa Youtube at naging number one pa ang video nang pag-'walkout' ni Kuya Wil sa show nang hayaan niya si Herlene na mag-host sa segment na "Willie of Fortune."

Ang naturang video, umabot na sa mahigit 4.7 million views.

Pero hindi lang ito ang video ni Herlene sa "Wowowin" na umabot sa milyon ang views. Ang iba niyang video tulad nang unang araw niya bilang co-host ng programa na mayroon 5.3 million ang views.

Bakit na ba gustong-gusto niya ng netizens? Balikan ang iba pa niyang patok na videos sa Youtube.

True love na hindi nakikita sa hitsura:

Bakit 'hipon' ang bansag kay Herlene?:

'Hipon Girl,' Herlene, pumasa kayang beauty pageant candidate?:

Alamin ang love life ni ‘Hipon Girl’ Herlene at saang dating app niya nakilala ang kaniyang dyowa:

--FRJ, GMA News