Isang babae ang tila wala nang mahihiling pa dahil “perpekto” na umano ang kaniyang AI boyfriend na mabait at maaasahan sa China.
Sa ulat ng Agence France-Presse, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nariyan agad ang AI boyfriend ng babae na kapag kaniyang kailangan, agad niya itong nakakausap sa isang pindot lang sa chatbox.
"He knows how to talk to women better than a real man," sabi ni Tufei, isang office worker.
"I feel like I'm in a romantic relationship."
Ayon naman kay Wang Xiuting, isang estudyante sa Beijing, mahirap makatagpo ng ''ideal boyfriend'' sa totoong buhay.
"People have different personalities, which often generates friction," sabi ni Wang.
Naku-customize ang AI boyfriend base sa kanyang edad, personality, at hobbies. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
