Isang barangay kagawad ang nasawi matapos barilin ng kaniyang kainuman na matagal na niya umanong kaalitan sa Sierra Bullones, Bohol.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali, lumabas sa imbestigasyon na nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa na nagresulta sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Nasapul sa dibdib ang biktima na isinugod pa sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.
Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek matapos tumakas.
Isinalaysay ng mga kapitbahay na matagal nang may alitan ang dalawa.
Sinabi naman ng mga awtoridad na isolated case ang insidente at hindi konektado sa eleksyon.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News
