Tanggal na sa first round ng Wimbledon women's doubles tournament ngayong Huwebes ang tambalan nina Alex Eala ng Philippines at Eva Lys ng Germany.

Hindi umubra ang tandem nina Eala at Lys kontra kina Quinn Gleason ng US, at Brazilian na si Ingrid Martins, sa iskor na 6-4, 6-2.

Dito na nagtatapos ang kampanya ni Eala sa kaniyang unang pagsabak sa Wimbledon.

Una rito, kinapos si Eala sa kaniyang laban kontra sa defending champion na si Barbora Krejcikova para sa women's singles event nitong Martes.

Sa kabila nito, nakapagtala pa rin ng kasaysayan si Eala bilang kauna-unahang Pinay tennis player na nakapaglaro sa prestihiyosong Wimbledon. –FRJ, GMA Integrated News