Nasawi ang isang 33-anyos na ginang at dalawa niyang anak nang makulong sila sa nasusunog nilang bahay sa Davao City.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes, sinabing nangyari ang insidente kaninang madaling araw sa Barangay Gumalang, Baguio District.

Hindi na umano nakalabas sa nasusunog nilang bahay na gawa sa light materials ang ginang, kasama ang anak niyang babae na anim na taong gulang, at anak na lalaki na dalawang-taong-gulang.

Wala umanong nakikitang foul play sa nangyaring insidente. – FRJ GMA Integrated News