Nasawi ang isang 45-anyos na babaeng negosyante matapos siyang barilin ng salarin sa loob ng kaniyang tindahan sa Barangay Poblacion, Bayugan City, Agusan del Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Lunes, nahuli-cam sa CCTV camera na lumapit ang salarin na naka-helmet at harapang binaril ang biktima.

Ayon sa publisya, nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo ang biktima, at pumanaw sa ospital.

Tumakas naman ang salarin sakay ng motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin, at motibo sa krimen. – FRJ GMA News