Panalo hindi lang sa court kundi sa puso ng mga Pilipino ang halos pagsubsob ni Pinay tennis sensation Alex Eala para tamaan ang bola sa kanyang laban sa Wimbledon, ayon sa "Good Night Vibes" report sa "Saksi."

Naging inspirasyon 'yan sa tennis training ng magkasintahang Justin at Jenny ng Cainta, Rizal.

Pero, parang mali yata.

Ang kwento ni Justin, nagbiruan sila ng host na ituturo ang viral moves ni Eala.

Kaya napagkatuwaan nilang gayahin ito.

Pero, hindi daw biro ang sakit sa katawan at pati ang lakas na kailangan para magawa ito. — BAP GMA News