Nag-operate ang Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) laban sa mga colorum na sasakyan sa Makati City nitong Huwebes ng gabi, ayon sa ulat sa Saksi.
Isa sa mga nahuli ay ang bus na biyaheng Pacita sa San Pedro, Laguna na nakaparada sa isang mall na napag-alamang out of line.
Nasita rin ang isang pampasaherong jeep na ilegal na nakaparada sa Arnaiz Avenue. — BAP, GMA News
