Iniutos ng korte na palayain ang naarestong suspek sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo na binaril bago magsimulang magmisa sa Nueva Ecija noong Hunyo 10.

Pinakawalan ng pulisya si Adell Roll Milan nitong Biyernes bago magtanghali matapos iutos ni Presiding Judge Angelo Perez ng Regional Trial Court Branch 27 sa Cabanatuan City na iurong ang reklamo laban sa suspek, ayon kay Senior Superintendent Benigno Durana, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP).

Tumanggi na ang opisyal na magbigay ng iba pang detalye sa takbo ng imbestigasyon sa kaso tungkol sa pagpatay kay Fr. Nilo.

READ: Pari, binaril sa altar ng kaniyang simbahan sa Nueva Ecija

“We need to emphasize that this case is not yet closed and I am sure we have encouraging developments that we cannot divulge the details of these developments because it may compromise ongoing investigation,” paliwanag ni Durana.

Sa isinagawang press briefing ng abogado ni Milan na si Atty. Larry Gadon, sinabi nito na naghain ng prosekusyon ng "motion to withdraw information," dahil umano sa "mistaken identity."

Binaril si Fr. Nilo dakong 6:00 p.m. sa kapilya bago magsimula ang kaniyang misa sa Barangay Mayamot sa Zaragoza, Nueva Ecija noong June 10.

Si Nilo ang ikatlong pari na pinaslang mula noong nakaraang Disyembre.

Ilang araw matapos paslangin si Nilo, naaresto ng mga pulis si Milan pero itinanggi niya ang paratang laban sa kaniya.

READ: Alleged gunman in Fr. Nilo slay ‘a fall guy’ —lawyer

Naglabas naman ng katibayan ang pamilya ni Milan para patunayan ang pagiging inosente niya sa nangyaring krimen.— FRJ, GMA News