Sa ospital ang bagsak ng isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng kainumang napikon daw sa kaniyang pang-aalaska sa Lipa, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Fortunato Tenoso, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Sinabing nag-iinuman noon sina Tenoso at ang suspek na si Michael Umali sa Barangay Talisay nang mang-asar ang biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, napikon si Umali kaya pinagbabaril niya si Tenoso.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima, samantalang pinaghahanap ngayon ang suspek. —Jamil Santos/LBG, GMA News