Apat ang patay at anim ang sugatan, kabilang ang dalawang rumespondeng pulis, sa nangyaring pamamaril sa Teresa, Rizal nitong Huwebes ng gabi.

Sa paunang impormasyon mula sa pulisya, bigla na lang umanong namaril ang suspek na kinilalang si John Albert Araojo, dakong 6:00 pm. sa Barangay Bagumbayan, Teresa, Rizal.

Kaagad umanong nasawi ang mga biktimang sina Ruben Francisco, Wilfredo Lukban, Celso Bernales, at Marvin Miotin.

Lima naman ang nasugatan kasama ang mga rumespondeng mga pulis na sina Police Officer 3 Emillano Pantaleon at PO1 Eleuterio Mina.

Tumakas so Araojo patungong Morong gamit ang tinangay niyang motorsiklo.

Patuloy siyang pinaghahanap ng mga tinutugis ng mga awtoridad at inaalam ang motibo sa pamamaril.-- FRJ/BAP, GMA News