Umamin na ang suspek sa tangkang pagpatay sa siyam na taong gulang na babae na natagpuang nakatali at nagdudugo ang tenga sa ilalim ng tulay sa Cainta, Rizal, na ginawan niya ng kahalayan ang biktima.
Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas" nitong Miyerkules, ikinuwento ni Pepito Tagal na bago ang krimen ay gumamit siya ng droga kasama ang mga magulang ng bata sa bahay.
Pagkatapos umano nilang gumamit ng droga, umalis na siya at kusa naman daw na sumama sa kaniya ang biktima.
Inuntog daw niya ang ulo ng bata at inihulog sa tulay.
Hindi raw niya malaman kung bakit niya nagawan ng masama ang biktima kaya humihingi siya ng tawad.
Sasampahan siya ng reklamong rape at frustrated murder.
Pinag-aaralan din ng pulisya kung may pananagutan ang mga magulang ng bata dahil sa nangyari.
Nadakip si Tagal bago maghatinggabi habang natutulog sa loob ng isang tricycle sa kanilang lugar sa Barangay San Roque sa Cubao, Quezon City.
Nang maaresto, itinatanggi pa niya ang krimen pero inaming niyang kilala niya ang mga magulang ng biktima.-- FRJ, GMA New
