"Not in my time." Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos niyang bawiin ang kaniyang suporta na gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot.

"Not in my time. Some other president maybe," sabi ni Duterte nitong Biyernes sa ginanap na PDP-Laban campaign rally sa Victorias City, Negros Occidental.

Pangamba ng pangulo, dadami ang taniman ng marijuana kapag pinayagan ang paggamit nito bilang medisina.

"I do not intend to legalize it. Ayaw ko. Gawain mo lang excuse ‘yan eh. Magtatanim ka ng iyo. Sabihin mo, 'Medicinal man kaya ‘to,'" patuloy niya.

READ: Duterte backing any medical marijuana bill, Palace spox says

Ayon pa sa pangulo, hindi niya alam ang tungkol sa mga pagsasaliksik para magamit na gamot ang marijuana bagaman noong 2016, nabanggit niya na nagagamit na ang marijuana bilang “ingredient of modern medicine.”

Noong lang nakaraang Disyembre, tiniyak ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na lalagdaan ng pangulo ang medical marijuana bill kapag pumasa sa Kongreso.

Nakapasa na sa Kamara de Representantes ang bersyon ng panukala, habang nakabinbin naman ang bersyon nito sa Senado.— FRJ, GMA News