Natagpuang patay sa loob ng nakaparadang sasakyan ang isang babae sa Quiapo, Maynila. Ang biktima, pinaniniwalaang nagbaril sa sarili matapos na barilin naman ang kaniyang mister.
Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Huwebes, sinabing hawak pa ng babae ang isang baril nang makita ang kaniyang bangkay sa loob ng isang nakaparadang sasakyan.
Pero bago umano makita ang bangkay ng babae, una na raw binaril ng babae ang kaniyang mister na kritikal naman sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam pa ng ang motibo sa krimen. --FRJ, GMA News
