Hindi raw mga palakang bukid kung hindi mga cane toad ang pinakawalan sa Barangay Old Balara sa Quezon City kaugnay sa kampanya laban sa lamok na may dalang dengue. Pero babala ng isang herpetologist, delikado ang mga toad sa mga aso't pusa, at pati na sa mga batang magkakamaling paglaruan ang mga ito.
Sa ulat ni Dano Tingcungco sa GMA News TV "State of the Nation with Jessica Soho" nitong Huwebes, inihayag ni professor Leticia Afuang ng UP-Los Baños Institute of Biological Sciences, ang kaibahan ng palaka sa toad, o labilabi.
"They belong to different families. They are both amphibians but generaly bull frogs would be the sensitive animals with soft, wet skin, slimmy skin, many of them are even edible, many of them thrive in clean areas," patungkol sa palaka ni Afuang, isang herpetologist o eksperto sa mga amphibian at reptile.
"Toads belonging to the family Ranidae have rough skin and they are adapted to dryer conditions they are adopted to any type of environment even the most disturb, and the most dirty environment, they can produce a lot of eggs," paliwanag pa niya.
Hindi raw "native" sa Pilipinas ang cane toad at nagmula umano ang mga ito sa South America.
Dinala raw sa Pilipinas ang mga labilabi noong dekada 50 para sana sa problema sa daga noon. Pero hindi nila nalutas ang problema at dumami na sila, ayon sa eksperto.
Kapag hindi nakontrol ang pagdami ng labilabi sa isang lugar, puwede umano silang maging peste at maaari pang magdala ng parasite at sakit.
"They can destroy the area. They can change the ecosystem conditions of the area. Toads love lights. They will stay in lighted areas where they can find insects," sabi pa ni Afuang.
"I find them very abundant in poultry areas where there is a lot of fecal material. Doing so, what will they get? Parasites themselves. They get diseases, they can be vectors of other diseases," dagdag niya.
May taglay din daw na lason ang mga toad kaya peligroso sila sa mga alagang hayop at mga bata.
Pero nanindigan ang mga opisyal ng barangay na palakang bukid ang kanilang pinakalat sa lugar at hindi delikado.
Ang naturang mga palaka na mahigit 1,000 ang bilang ay galing umano sa Rizal.--FRJ, GMA News
