Tatlong mananaya ang maghahati sa jackpot prize na halos P44 milyon sa Lotto 6/42.

Sa Lotto 6/42 draw na ginawa nitong Martes ng gabi, Mayo 31, 2022, lumabas na ang mga winning number ay ang 25-20-29-07-21-02.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na tatlong mananaya ang nakakuha sa nasabing kombinasyon ng mga numero.

Umabot ang premyo nito sa halagang P43,912,343.80.

Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Superlotto 6/49 na ang winning numbers ay 33-19-41-46-36-12, at may premyong P28,029,483.60.

Wala ring tumama sa Ultra Lotto 6/58 draw na ang mga lumabas naman na numero ay 28-56-12-43-25-31, at P49,500,000.00 ang premyo.--FRJ, GMA News