Nagbitiw na sa kaniyang puwesto si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ayon sa isang opisyal sa Palasyo.

Nitong Martes, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra, na wala pang desisyon kung sino ang papalit kay Cruz-Angeles.

Ayon sa ulat ng Super Radyo dzBB, usapin tungkol sa kalusugan ang dahilan ng pagbibitiw ni Cruz-Angeles.

 

 

Wala pang opisyal na pahayag na inilalabas si Cruz-Angeles tungkol sa kaniyang pagbibitiw. —FRJ, GMA News