Isang Vietnamese national ang inaresto ng mga awtoridad sa Makati City matapos siyang magpa-deliver umano ng ilegal na droga.

Kuwento ng rider, tinanong niya ang Vietnamese kung ano ang laman ng package, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Hindi raw siya pinansin ng Vietnamese kaya naghinala na siya at tumawag ng pulis.

Nagsagawa ng entrapment operation ang mga pulis at doon na naaresto ang suspek.

Narekober ang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6,000 ang narekober ng mga awtoridad.

Inihahanda na ang reklamong isasampa sa suspek.

Wala namang pahayag ang suspek. —KG, GMA Integrated News