Dalawang aso ang nakaranas ng kalupitan sa Quezon City at Laoag, Ilocos Sur. Ang isa, hindi na nakauwi nang buhay dahil sa tama ng bala, habang pinagtataga naman ang isa.
Sa ulat ng GTV "Balitanghali" nitong Lunes, sinabing nagpapagaling na ang asong pinagtataga sa Quezon City na tatlong araw na nawala.
Ayon sa amo ng aso, pinapakawalan nila ang alaga tuwing gabi para magbantay sa labas ng kanilang bahay.
Pero tatlong araw itong nawala at nang umuwi ay may mga taga na at gutom na gutom.
Kaagad nilang ipinagamot ang aso at desidido silang sampahan ng reklamo ang pinapaniwalaan nilang nanakit sa kaniyang alaga.
Samantala, patay na nang makita ng amo ang kaniyang alagang aso na nawala rin sa Laoag, Ilocos Norte.
Ayon sa amo ng aso, nakakawala raw ang kanilang alaga pero ligtas din na nakakauwi.
Hanggang sa makita na lang nila itong may butas sa likod na tumagos sa tagiliran na indikasyon umano na binari.
Inaalam pa umano kung sino ang bumaril sa aso. --FRJ, GMA Integrated News
