Ilang lugar ang suspendido ang face-to-face class sa Huwebes, Marso 13, 2025 dahil sa inaasahang matinding init ng panahon.
- Dagupan City - no face-to-face classes, all levels, public and private
- Malasiqui, Pangasinan - no face-to-face classes in the afternoon, all levels, public (March 13 and 14)
- Manaoag, Pangasinan - no face-to-face classes, all levels, public and private
- Mangaldan, Pangasinan - no face-to-face classes, all levels, public and private
- San Jacinto, Pangasinan - no face-to-face classes in the afternoon, all levels, public
- Urdaneta City, Pangasinan - no face-to-face classes, all levels, public and private (March 13 and 14)
Samantala sa isang ulat ng GMA Regional TV nitong Miyerkoles, sinabing tumaas ang ice production sa Barangay Ambonao, Calasiao dahil sa dami ng bumibili na epekto ng mainit na panahon.
Si Jayson Mayrina, na isang halo-halo vendor mula sa Sta. Barbara, apat na bloke ng yelo ang binili mula sa naturang ice plant.
Nagkakahalaga ng P350 ang bawat bloke ng yelo at inaasahan na tataas pa ito sa mga darating na linggo dahil sa dami ng nangangailangan bunga na rin ng mainit na panahon.
Ayon sa ice plant operator na si Francisco Fernando, umaabot sa mahigit 200 ice blocks ang naibebenta nila sa isang araw.
Ang ibang bumibili sa kanila ng yelo, nanggagaling pa mula sa Dagupan, Manaoag, Mangaldan, Lingayen, at kahit sa La Union.
p>
I-refresh ang pahina para updates. — FRJ, GMA Integrated News