Tagumpay ang muling pagsabak sa ring ni Nonito Donaire Jr. sa edad na 42, laban sa 28-anyos na si Andrés Campos ng Chile nitong Linggo.
Ginanap ang naturang laban sa Casino Buenos Aires sa Argentina, na nakataya ang Interim WBA Bantamweight belt.
Itinigil ang laban sa round 9 dahil sa accidental headbutt na nagpaputok sa kanang kilay Donaire. Dahil dito, nagpasya ang referee na ibase ang panalo sa scorecard.
Lahat ng tatlong hurado ang pumabor kay Donaire, (88-83, 87-84, at 87-84) upang ibigay sa The Filipino Flash ang ninth-round technical decision na panalo.
Dahil sa kaniyang panalo, umangat ang marka ni Donaire sa 43-8 na 28 knockouts.
Huling lumaban si Donaire noong July 2023 na natalo siya via unanimous decision kontra kay Alexandro Santiago, nakataya noon ang bakanteng WBC world bantamweight belt. — mula sa ulat ni JM Siasat/FRJ, GMA Integrated News

