May nanalo na sa halos P185 milyong jackpot sa Superlotto 6/49 draw nitong Martes, November 11, at sa lalawigan ng Nueva Ecija tinayaan ang tiket nito.

Sa Facebook page ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na tinayaan ang winning ticket sa lotto outlet sa bayan ng Santo Domingo sa Nueva Ecija.

Ang lumabas na mga kombinasyon ng mga numero sa naturang draw ay 04-25-20-14-12-05, at may premyong P184,998,366.40.

Wala namang pinalad na manalo sa mga kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58 at Lotto 6/42.

Ang winning combination sa Ultra Lotto ay 53-08-46-40-19-18, at may premyong P108,810,101.40.

Samantala, nasa P75,610,006.60 naman ang jackpot sa Lotto 6/42, na ang lumabas na mga numero ay 34-10-02-16-26-29.

May draw naman ngayong Miyerkoles ng gabi para sa Grand Lotto 6/55 na may jackpot prize na mahigit P111 milyon, at MegaLotto 6/45 na mahigit P51 milyon naman ang jackpot. — FRJ GMA Integrated News